Philippine-American Academy of Science and Engineering (PAASE)

Agham at Kaalaman para sa Bayan
S&T Volunteerism: Outreach to Philippine Regions!

Upcoming Events
Buwan ng Wika
Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika:
Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa

Halina’t makiisa sa ating espesyal na talakayan para sa Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Gaganapin ito sa Biyernes, Agosto 22, 2025, 8:30 AM (PHT) o Huwebes, Agosto 21, 2025, 8:30 PM (EDT) sa pamamagitan ng Zoom at LIVE sa PAASE Facebook Page.

Makakasama natin bilang pangunahing tagapagsalita si Dr. Bernardo N. Sepeda, Executive Director III ng National Research Council of the Philippines (NRCP) sa ilalim ng DOST.

Magparehistro sa https://bit.ly/41A1BlG. Maaari ring dumiretso sa Zoom gamit ang Meeting ID: 836 2723 6124 at Passcode: PAASE2025.

Tara na at sama-sama nating tuklasin ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagpapatibay ng ating pagkakaisa bilang isang bansa. Mabuhay ang wikang Filipino!